August 7, kakatapos lanmg ng shift ko which starts 9 ng gabi up to 6 ng umaga then the next 2 days ay rest day ko na...Ganda actually ng off ko, friday and saturday...(Inoman Mode talaga); Friday morning plano ko sanang matulog kaso, di kami maka-afford ng aircon kaya ang init at sumubra pa ha around 10am up to noon...hahay I decided na maligo at pumunta ang downtown, maglaro ng computer games then by 3pm, umuwi ng bahay. Then  naisip kp agad i-txt ang crush ko which is kaboardmate ko a year ago...My God, (kasi nga kakasweldo lang kaya nagyabang ang gago) Itago natin xa sa panagalang "M". Txt ko. oi sabai tau dinner maya, libre ko dont worry...ohhh bongga diba? then nagreply xa..."kuya txt mo lng ako kung saan ka, puntahan lng kita" (awww naman, kinilig na rin ako). Reply ko Ok mga 7pm tau magkita. Sa lugar kasi namin 8:30pm-9pm nagcoclose na ang mall... SO, sa laki ng davao kung saan ako nakatira eh, umuulan sa amin while doon naman sa downtown which nag-aaral xa, eh very fine ang weather...Txt ko baka di tayo matuloy ngayon kasi lumalaks ang ulan sabi ko next tym na lang and nasa isip ko that time (LOrd wag mong guluhin ang araw ko, please, minsan lang kita inaabuso....) Reply si M "d naman umuulan dito, Ok ya, nxt tym na lng.Txt ka lng.
(Miracle comes)...around 7:48pm ata biglang humina ang ulan nagstart kasi ito around 7pm...(ohh di ba...may record ako ng oras ng ulan). Then text ako agad "M ituloy pede pa ba tayong matuloy ngayon, humihina na kasi ang ulan...reply sa M "ok andito lng ako maghintay sa mall" ...hahay napasabi ako "Lord di ma ako binigo dahil jan magsisimba ako this sunday".
So sumakay ako ng jeep, naghintay sya at pinagtagpo nga kami ng tadhana.... Pumasok ako sa mol at on my way nakita ko siya, ganun pa rin, chubby, nagsasmile at lastly cute parin ang mukha. Pinkish dark nga lng pero ok na din...
Tapos, na set ko na ang dapat e-order namin ng magsalita yung cashier na di na daw available ung chow fan whcih is 39 pesos lang...arrgh! kaya napilitan akong mag-order ng tag-89 pesos, actually kumain na nga ako sa bahay ng dinner para makatipid...hahay, pag palpak nga talaga....but anyway...so ganun na...nagorder ako , kumain kami at nag-usap...nacomment pa nga ako about sa food (di masarap, walay lami) ahahaha...mas masarap ma yung mura...xa naman enjoy sa kinakain nya at tsaka may background song pa kami  sponsored by Wonder Girls" nobody but you ang title ng song... with all the hand claps and point his 2 index fingers towards me singing that song...hay....para na akong kukunin ni lord but i should hold on"
after ng dinner, kasi ayaw kong matapos na lng basta-basta....inembitahan ko xa na manoud ng sine...gusto ko sana ung movie na "Its Alive" pero nung dun na kami "G.I. Joe na lng, kasi mas marami ang nanunuod....nung nasa sine kami, sa kalandian nag-papalambing ako...sinasandal ko ung ulo ko sa balikat nya at amoy ko pa ung pabango nya sabay tug-tug sa isip ko "Big Girls Dont Cry" ahahaha( natawa ako dun na part, ang drama!)
Nung natapos na ang movie, napa-isip ako....Uuwi na ako? anp pa?...then niyaya ko sya bigla mag-inuman.  pumayag naman xa...ang nasa utak ko (kasya kaya ang 400pesos sa aming dalawa?) So nagtuloy ng a kami...Pumunta kami sa Torres (dun-palaging uso ang inuman) Nung makarating kami dun, order kami ng San Miguel Light, isang bucket as pulutan...hahay sabi nya baka d ko raw makaya though di naman talaga ako malakas uminom at ginusto ko na lnag dahil kasama ko siya.  Aroun 12am kami dumating at nagstart mga 12:30am ata nun. at naubos namin half ng bucket. Tapos biglang dumating ang mga classmate ko sa colleges, hay salamat nabuhayan ang inuman naming dalawa, este tatlo ta naging apat dahil dumating pa yung isa kong babae na kaklase( hello...boring kaya nung kaming dalawa, walang mapagusapan na maganda) We talk and talk, tawa and so on...Then nung time na yun napansin kong mas marami pa ata ang nainom ko....kaya I tease "M".
Nung time na yun gumagawa ako ng paraan na di kami maghihiwalay ng maaga..at stupid ang naisip ko pero nagwork, sabi ko sa kanya dun ako matulog sa kanila, at alam mo pumayag naman sya, after i tried convining na "di ka ba maawa sa akin, Uuwi ng bahay tapos diretso matutulog , lonely at walang ginagawa) although it sound SH**T talaga but umubra....and take note, d sya taga dito sa davao...sa kabilang dako pa sya, ahahah so we need a bus para makarating sa kanila...
Nakarating kami sa lugar nila around 2am ata...actually first time kung pumanta sa bahay nila. OMG ang kapal ng mukha ko...aheheh pero ok lng
and then, umakyat pa kami sa gate ng bahay ni "M"...pero eks man din, ang mama pa rin nya ang nag-open ng door ng haus nila...Greet pa ako nun "Magandang Gabi po" (sana Hello tita na lang)
Nung nasa room na kami nya...ehem...wag ko na kayang ituloy...basta masaya na ako sa nangyari di dahil sa kung anu ang iniisip nyo, its because, i have known someone na di mahirap pakisamahan at ok anytime...hahay "M" when kaya maging masaya ang buhay ko...
actually, andito pa ako sa lugar nila, sa kanilang internet shop...maya-maya uuwi na rin ako ng davao...hahay///then back to the reality
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
 
 
No comments:
Post a Comment